Nawawalang lalaki, bangkay nang matagpuan sa Taal Lake sa Batangas
Nawawalang lalaki, bangkay nang matagpuan sa Taal Lake sa Batangas

Nawawalang lalaki, bangkay nang matagpuan sa Taal Lake sa Batangas

Isang bangkay ng lalaking matagal nang nawawala ang natagpuan na palutang-lutang sa Taal Lake sa Barangay Leviste, Laurel, Batangas, bandang alas-12 ng tanghali noong Disyembre a-21, 2025.

Kinilala ng Batangas Police Provincial Office ang biktima na si Harriz Orlanes, alyas “Tisoy,” 32-anyos, isang negosyante.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Laurel Municipal Police, ang bangkay ay unang namataan ng kaibigan ng biktima na si Adonis, na matagal nang naghahanap kay Orlanes matapos itong iulat na nawawala noong Disyembre a-19 habang sakay ng isang bangka.

Agad humingi ng tulong si Adonis sa Philippine Coast Guard na siyang nag-rekober ng bangkay at naghatid nito sa isang punerarya sa bayan ng Laurel.

Matatandaang ipinanawagan pa ng mga kaanak at kaibigan ng biktima ang pagkawala nito Balisong Channel News.

Ang biktima ay tubong Quezon City at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Leviste. Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente. | BChannel news | 📸 Philippine Coast Guard

About Author Balisong Channel News

Related Stories

Taxi Driver sa Cebu, Ipinahuli Matapos Umano’y Pangongontrata sa K-pop Idol Balisong Channel News April 2, 2026 Meralco may scheduled brownout sa Metro Manila, Cavite at Laguna sa April 3–5 Balisong Channel News April 2, 2026 Iran pinayagan ang pagdaan ng Philippine-flagged vessels sa Strait of Hormuz — DFA Balisong Channel News April 2, 2026
📎📎📎📎📎📎📎📎📎📎
BOT